Prosec magsusumite sa Ombudsman ng bagong ebidensya, testimonya vs VP Sara
MANILA, Philippines — Nakatakdang magsumite ang prosecution panel ng mga bagong ebidensya at testimonya kaugnay ng umano’y irregularidad sa paggasta ng P612.5 milyong confidential funds at iba pa laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na ang nasabing confidential funds ay kinabibilangan ng P500 milyon sa Office of the Vice President (OVP) at P112.5 milyon naman sa DepEd sa ilalim ng panunungkulan ni VP Sara.
Tiniyak din ni Chua na ang prosecution team ay handang makipagtulungan sa Ombudsman sa mga karagdagang rekord na kailangan para maipursige ang kaso laban sa Bise Presidente.
Tinukoy rin ni Chua na ipinasosoli ng Commission on Audit (COA) ang natukoy na umano’y P 73.287 milyon na “disallowed funds” ni VP Sara dahilan umano sa maling paggamit nito.
- Latest




















