^

Metro

Mans Carpio, nagsampa ng cyber libel vs Lustre

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Si Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, ang nagreklamo laban sa beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. sa kasong cyber libel.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Dino De Leon nitong Lunes matapos na makakuha na ang kanilang law firm ng kopya ng sakdal na inihain sa Davao City Regional Trial Court.

Kaugnay ito ng Facebook post na umano’y ginawa ni Lustre noong Marso 6, na nag-uugnay kay Carpio sa 18 dating tauhan ni dating kongresistang Zaldy Co na sinasabing naghatid ng kickback sa ilang opisyal ng pamahalaan.

Inaresto si Lustre, 72, noong Oktubre 24 matapos dumalo sa isang pagtitipon ng mga mamamahayag sa Quezon City, batay sa mandamyentong inilabas ng korte sa Davao City noong Oktubre 2. Pinalaya rin siya matapos magpiyansa ng P48,000 sa araw ding iyon.

Kinastigo naman ni Atty. De Leon ang umano’y kawalan ng subpoena at pagkakataon para makapagsumite si Lustre ng counter-affidavit sa preliminary investigation bago inilabas ang warrant of arrest.

Iginiit din niya na ginagamit umano ang ­pagsasampa ng kaso sa malalayong lugar at ang pag-aresto tuwing weekend bilang paraan ng panggigipit sa mga kritiko ng pamilyang Duterte.

Dahil dito, hiniling ng kampo ni Lustre sa DOJ na ilipat mula Davao City patungong Metro Manila ang pagdinig ng kaso dahil sa pangamba sa seguridad ng mamamahayag.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with