^

Metro

Pulis-Maynila, police trainee arestado sa ‘esmiringhoy’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Maynila, police trainee arestado sa ‘esmiringhoy’

Mister na pulis magsasampa ng adultery

MANILA, Philippines — Arestado ang isang pulis ng Manila Police District (MPD) at isang babaeng police trainee na may asawa ring pulis matapos silang maaktuhang magkasama sa isang apartelle sa Novaliches, Quezon City, noong Oktubre 24.

Ayon sa ulat ng Philip­pine National Police (PNP), nagsumbong ang mister ng police trainee sa Quezon City Police District-Station 4 matapos  matuklasang naka-check-in sa Starcia Apartelle ang kanyang misis at ang kapwa nito pulis.

Dakong alas-10 ng umaga nang puntahan ng mga awtoridad ang apartelle matapos makumpirma sa receptionist na naroon ang dalawa.

Nakita ang babae na lumabas sa Room 15 at nagtungo sa bakanteng Room 30, kung saan siya inaresto. Samantala, nagtangkang magtago sa stockroom ang lalaking pulis ngunit agad din itong naaresto.

Nahaharap ang dala­wa sa reklamong adultery. Ang lalaking suspek ay nakatalaga sa MPD-Station 11, habang ang babaeng police trainee ay isang taon nang kasal sa nagreklamong pulis.

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with