Alex Eala nahulog sa no. 19 sa WTA rankings

MANILA, Philippines — Nahulog sa No. 19 spot si Alex Eala sa bagong listahan ng Women’s Tennis Association (WTA) na inilabas kahapon.
Isang puwesto ang ibinaba ni Eala mula sa dating career-high na No. 18.
Hindi gumalaw ang puntos ni Eala na 2,241 dahil hindi ito naglaro sapul noong Singapore Open.
Matatandaang matapos sumabak sa Singapore Open, tumulak si Eala sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan kung saan nagkasya lamang ito sa tansong medalya.
Hindi lumahok si Eala sa WTA 1000 Beijing Open sa China para maging bahagi ng Team Philippines sa Asian Games.
Ang Beijing Open ay isang mandatory WTA event kung saan may penalty ang high-ranked player na hindi lalahok sa torneo.
Sinabi naman ng Philippine Tennis Association (Philta) na lusot si Eala sa anumang parusang ipapataw ng WTA.
Ngunit wala pang opisyal na statement ang WTA sa penalty ni Eala.
Gayunpaman, hindi na ito iniisip ni Eala dahil nakasentro na ang atensiyon nito sa kampanya nito sa Wuhan Open.
Sasagupain ni Eala sa opening round ng Wuhan Open si Chinese qualifier Han Shi.
Nakatakda ang laban nina Eala at Han Lunes ng gabi.
Aarangkada rin si Eala sa doubles kasama ang kaibigang si Zeynep Sonmez ng Turkey.
Naurong ngayong araw ang laban nina Eala at Sonmez kontra kina Ukraine bets Anhelina Kalinina at Dayana Yastremska sa first round.
Bago magtungo sa Wuhan, dumalo muna si Eala sa Paris Fashion Week sa France mula na rin sa imbitasyon ng isang kilalang fashion brand.
Matapos ang event, agad na nagtungo si Eala sa Wuhan para sumalang sa pukpukang ensayo.
Target ni Eala na makakuha ng panalo upang mapaangat pa ang ranking nito sa WTA.
- Latest






















