‘Kung inaantok, sa bahay na lang manood ng impeachment trial’

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Senate President at senator-judge Sherwin Gatchalian nitong Linggo ang mga nagbabalak na personal na manood ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na kulang sa tulog o pagod, na manood na lamang ng mga paglilitis sa kanilang bahay sa halip na matulog sa loob ng session hall ng Senado.
Sinabi ni Gatchalian sa panayam ng DZBB na hindi magandang tingnan ang mga dumadalo pero natutulog naman sa panonood.
“Kung inaantok sila, huwag na sila pumunta. Puwede naman matulog sa bahay tapos manood ng TV. Kasi nga, hindi naman maganda na pumupunta ka sa impeachment court tapos natutulog ka doon. Hindi maganda naman yun,” ani Gatchalian.
Matatandaan na pinagsabihan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero si Manila Rep. Bienvenido Abante dahil tila nakatulog ito habang isinasagawa ang paglilitis.
Nasa VIP section ng session hall ng Senado si Abante nang makatulog habang nagbibigay ng testimonya si Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) Division Chief Rendell Sopeña.
Si senator-judge Ping Lacson ang nag-post ng larawan ni Abante na natutulog at sinabing naisip niya kung saan naman matutulog si Abante noong Setyembre 30, matapos kanselahin ang impeachment trial.
Sinabi rin ni Lacson sa isang hiwalay na pahayag na nakalamang ang prosecution sa defense team ni Duterte dahil nahuli umanong natutulog sina Abante at private prosecutor Lorna Kapunan, kumpara kay dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, na nasa panig ng depensa.
Ipinaalala pa ni Gatchalian na kahit sa normal na korte ay hindi puwedeng matulog.
- Latest



















