^

Probinsiya

22-anyos drug courier timbog sa P3.7 milyong marijuana

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
22-anyos drug courier timbog sa P3.7 milyong marijuana
Ang suspect ay kinilala lamang sa pa­ngalang Arnel ay hindi na nakapalag matapos na mapalibutan ng mga operatiba at arestuhin.
STAR / File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 22-anyos na umano’y drug courier matapos na masamsaman ng nasa P3.7 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Guadalupe, Cebu City nitong Biyernes.

Ang suspect ay kinilala lamang sa pa­ngalang Arnel ay hindi na nakapalag matapos na mapalibutan ng mga operatiba at arestuhin.

Sa report ng Regional Police Drug Enforcement Unit sa Central Visayas (RPDEU-7), isinagawa ang anti-drug operation matapos na kumagat sa bitag ng poseur-buyer ng pulisya ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.

Nasakote sa operasyon ang suspect na nakumpiskahan ng 28 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.4 milyong halaga at daang libong cannabis ­cartridges na may katumbas na P293,800.

Ang mga nakum­piskang epektos ay nakasilid sa backpack at sako bag na gamit ng suspect na pinaglalagyan nito ng mga ibinebenta nitong marijuana.

Nabatid na ang suspect ay nagtapos sa Alternative Learning System (ALS) sa pag-aari ng gobyerno.

Maliban dito, nakumpiska rin sa suspect ang dalawang dispo­sable vape cartridges na nagkakahalaga ng P5,000; 250 gramo ng punla ng marijuana na P13,750 ang halaga; P30,500 buy-bust ­money, motorsiklo na gamit sa illegal na operasyon at kulay itim na helmet.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with