Maguindanao ambush: 2 utas, 1 sugatan
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang dalawang lalaki habang sugatan ang isa pa matapos na sila ay pagbabarilin habang sakay ng tricycle ng mga gunman na sakay ng motorsiklo naganap sa Barangay Pembalkan, Mamasapano, Maguindanao del Sur nitong Huwebes ng hapon.
Sa ulat ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, kinilala ang mga nasawi na sina Fahad Sula at Alfaris Dalinding habang sugatan naman ang kasama nilang si Asmawi Bantas.
Nabatid na ang tatlong biktima ay mga naglalako ng ibat-ibang mga produkto sa Mamasapano at mga karatig na mga bayan sa Maguindanao del Sur.
Patungo sa isang lugar ang mga biktima, sakay ng tricycle nang sila ay tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng highway sa Barangay Pembalkan.
Nang duguang bumulagta ang mga biktima ay agad ding tumakas ang mga suspek gamit ang motorsiklo.
- Latest



















