^

Metro

3 Pinoy drug mule naharang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
3 Pinoy drug mule naharang sa NAIA
Ang nasa P18.6 milyong halaga ng kush o high grade marijuana na nasabat mula sa tatlong Pinoy drug mule sa NAIA.
CTTO

MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy drug mule na galing Bangkok, Thailand ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) makaraang madiskubre sa anim na bagahe ang kahina-hinalang illegal drugs sa NAIA Terminal 3 kahapon.

Ayon sa report, naglalaman ng 18, 679 gramo ng pinaghihinalaang kush o high grade marijuana ang anim na bagahe na nagkakahalaga ng P18.6 milyon nang idaan sa X-ray scanning machine.

Una pang inakalang pagkain ang laman ng bagahe.

Patuloy pa rin ang  imbestigasyon at pagproseso sa mga ebidensiyang nasamsam ng mga awtoridad.

Nai-turn over na ang mga drug mule at dala nilang mga kontrababdo sa PDEA para sa masu­sing imbestigasyon at disposisyon.

DRUG MULE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with