Kampo ni VP Sara, pinag-iisipan pag-akyat sa SC sa voting threshold

MANILA, Philippines — Pinag-iisipan ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang pag-akyat sa Supreme Court kaugnay ng desisyon ng Senate Impeachment Court sa voting threshold para sa conviction.
Ayon kay defense counsel at spokesperson Atty. Michael Wesley Poa, ang paghingi ng remedyo sa Korte Suprema ay isang “real possibility” matapos baguhin ng Senado ang tuntunin sa pagbibilang ng boto. “Hindi ko naman i-deny na yung pag-akyat sa Supreme Court is a real possibility,” aniya sa press briefing nitong Miyerkules, Setyembre 23.
Dagdag ni Poa, hindi pa nagdedesisyon ang depensa kung kailan ihaharap ang usapin dahil kailangan pa itong talakayin kay Duterte. Binanggit din niya na may mga documentary requirement na dapat isaalang-alang, kabilang ang certified copies ng transcripts, stenographic notes, journals, at iba pang rekord na inaasahang matatanggap nila pagsapit ng Huwebes, Setyembre 24.
Giit ni Poa, iginagalang ng depensa ang pasya ng mga senator-judge ngunit hindi nito pinipigilan ang legal team ni Duterte na gumamit ng mga available na legal remedy. “Yan po naging pasya ng bawat senator-judge and we really have to respect that. But that doesn’t mean that we do not have any legal remedies at this point,” aniya.
- Latest

















