^

Bansa

3 Pinoy sugatan sa Houthi attack sa Saudi airport

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 Pinoy sugatan sa Houthi attack sa Saudi airport
A screengrab from the Facebook post of the Department of Migrant Workers showing Hans Leo Cacdag.
Facebook / Department of Migrant Workers

MANILA, Philippines —Tatlong Pinoy ang kabilang sa mga nasugatan sa isa na namang pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia.

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na pawang overseas workers ang mga Pinoy, dalawa sa kanila ang nasa intensive care unit (ICU).

Masusi ring naka-monitor ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang sitwasyon at sitwasyong medikal.

“Walang ulat na Pilipino na nasawi at tayo ay nakikiisa at nakikiramay sa mga nasawi na sanhi nung insidente,” ani Cacdac. Pero may Pilipino na naulat na tatlo na OFWs sa ngayon na nasa ospital, injured. Dalawa nasa ICU, pero yung isa wala sa ICU.”

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga pamilya ng mga biktima.

Batay sa ulat, ang naturang pag-atake, na ikatlo na nitong nakalipas na linggo, ay ikinamatay ng 12 katao at ikinasugat ng nasa 309 na iba pang indibidwal.

Ayon sa Saudi civil aviation authority, kabilang umano sa mga nasawi ay apat na Saudi Arabian, dalawang Bangladeshi at tig-isang mamamayan ng Estados Unidos, Jordan, Palestine, Syria, Sudan at Egypt.

ICU

OWWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with