PANOORIN: BARMM polls, naging ‘maganda’ sa pananaw ng Palasyo
MANILA, Philippines — Maituturing ng Malacañang na "generally peaceful" ang naganap na makasaysayang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon kay Palace Press Officer Claire Castro ngayong Martes, Sept. 15.
Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) na nagsasabing "generally peaceful and orderly" ang nangyaring eleksyon, sinabi ni Castro na naging "maganda" ang halalan sa pananaw ng Palasyo.
Dagdag niya, iniulat ng Comelec na 80% ang naging voter turnout sa naturang halalan.
Giit naman ni Castro na hindi nanaisin ni Pangulong Bongbong Marcos na mayroong nangyayaring karahasan.
"Kahit isang tao lang po ang masaktan, hindi po ikasasaya ng pangulo. Kahit sabihin po nating generally peaceful at orderly 'yung nangyaring eleksyon kahapon, basta po mayroong kahit isa na nasaktan, hindi po magiging maganda ang pakiramdam ninuman lalong-lalo na ang pangulo," ani Castro.
Hindi bababa sa tatlong katao ang nasawi habang 15 ang sugatan sa Cotabato City ilang oras bago magbukas ang botohan, habang iniulat din ng mga awtoridad ang gunfire, pagsabog, at hinihinalang pre-shaded ballots sa Basilan.
- Latest















