Pag-aresto kay Romualdez, ‘di political drama - Marcos
MANILA, Philippines — Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang staged drama lamang ang pag-aresto sa kaniyang pinsan na si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng kontrobersyal na P7.4-bilyong plunder case.
Ayon kay Marcos, ang mga nagsasabing drama lamang ang nangyaring pag-aresto ay bahagi lamang ng mga pulitikal na pag-atake laban sa kaniyang administrasyon at hindi naglalarawan sa aktuwal na prosesong umiiral sa korte.
Naaresto si Romualdez noong Setyembre 7 kaugnay ng plunder charges na may kinalaman sa flood control projects habang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Nauna nang tinawag ni Vice President Sara Duterte na “drama” ang umano’y pag-aresto kay Romualdez, kasabay ng palitan nila ng pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla.
- Latest
















