^

PSN Palaro

Yulo bubuo ng gymnastics gym sa iba’t ibang panig ng Pinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo bubuo ng gymnastics gym sa iba’t ibang panig ng Pinas
The Philippines' Carlos Edriel Yulo with the gold medal poses during the victory ceremony for the men's vault final at the 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships in Jakarta on October 25, 2025.
Yasuyoshi Chiba / AFP

MANILA, Philippines — Hangad ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na maibahagi ang kanyang kaalaman sa mga batang gymnasts na nais sundan ang kanyang yapak.

Malayo na ang narating ni Yulo matapos makasungkit ng dalawang gintong medalya sa Olympic Games sa Paris, France noong 2024.

Nakasikwat pa ito ng ilang gintong medalya sa mga World Championships, Asian Championships at Southeast Asian Games.

Kaya naman mara­ming tumitingala kay Yulo na nag­­sisilbing inspirasyon partikular na sa mga kaba­taang atleta.

Alam ni Yulo hindi pang-habang buhay ang pagi­ging atleta.

At sa oras na matapos na ang kanyang karera bilang atleta, nais ni Yulo na maging coach para ma­ibahagi ang kanyang kaalaman sa mga batang gymnasts.

Target ni Yulo na makahubog ng isang batang atleta na posibleng maging matagumpay na tulad niya.

Mga simpleng pangarap ng ilang kabataan na nais nitong matupad nang tulad nang nangyari sa kanya.

Isa nang sports icon si Yulo na may magandang estado sa buhay.

Bumubuo na ng sariling gym si Yulo na magsisilbing tahanan ng mga future world-class athletes.

Ngunit hindi lang isang gym ang target ni Yulo.

Plano nitong makapagpatayo ng gym sa iba’t ibang panig ng bansa para mas maging malawak ang sakop ng kanyang proyekto.

Sa ngayon, sesentro muna ang atensiyon ni Yulo sa kampanya nito sa 2026 Asian Games na idaraos sa Nagoya, Japan kung saan pakay nitong makasungkit ng ginto.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with