Prince Harry at Meghan, nilaglag ni King Charles!

Nasa balag ng alanganin ngayon ang Duke at Duchess of Sussex Prince Harry at Meghan Markle matapos mag-issue ng official statement ni King Charles III, ama ng magkapatid na Prince William at Prince Harry at dating mister ng namayapang Princess of Wales na si Diana.
Ang liham ay idinaan sa pinuno ng Royal Household na si Lord Chamberlain, Baron Benyon na ikina-shock umano nina Prince Harry at Meghan at ng British government at mga mamamayan ng United Kingdom na nasasakupan ng monarchy.
Ang liham ay magsisilbing royal guideline na may kinalaman sa pagbabalik nina Prince Harry at Meghan sa U.K. nung nakaraang Aug. 26, 2026 bitbit ang dalawa nilang anak na sina Prince Archie (7) at Princess Lilibet (5) na nag-aaral na ngayon sa isang British private school habang sila’y nakatira sa isang pribadong lugar in London na walang kinalaman sa royal family.
Nirerespeto ni King Charles III at ng royal family ang naging desisyon ng mag-asawa na maging pribado. Pero ang titulong His or Her Royal Highness ay hindi na raw kailangang ibigay sa mag-asawa.
Ang charity projects maging ang kanilang security kung saan involved ang mag-asawa ay mananatili sa kanilang private capacity at walang kinalaman ang palasyo. Hindi rin imbitado ang mag-asawa sa royal functions na kanilang tinalikuran nung Enero 2020.
Sobrang malaking dagok ito kay Prince Harry at sa kanyang misis dahil hindi na nila mai-enjoy ang privilege bilang royal couple.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng royal family ang ginawang pagtalikod sa kanilang royal duties.
At ang pinakamatindi sa lahat ay ang pagpapa-interview ng mag-asawa kay Oprah Winfrey nung March 2020 kung saan una nilang ibinulalas ang ‘baho’ ng ilang miyembro ng royal family pati away nila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William na sinundan pa ng isang documentary na lumabas sa Netflix at ng librong Spare ni Prince Harry.
Mula noon ay tila ‘pinutol’ ni Prince Harry at ni Meghan ang kanilang connection sa royal family na tumagal ng mahigit anim na taon kasabay ng paninirahan nila sa Amerika.
Ngayon naman ay pagkakataon naman ni King Charles III na ‘sampalin’ ang mag-asawa ng bagong guidelines ng palasyo.
Dahil sa bagong direktiba na ito ni King Charles, manatili pa kaya sina Prince Harry at Meghan at dalawa nilang anak sa London o magdedesisyon silang bumalik sa kanilang Montecito Home in Santa Barbara, California, USA pero nagsalita na rin si U.S. President Donald Trump na hindi na umano welcome ang royal couple sa Amerika.
Si Prince William ang next in line sa trono kasunod ang tatlo nilang anak ni Princess Catherine na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis at tila wala nang chance si Prince Harry na mapalapit sa trono matapos ilabas ang bagong guidelines sa palasyo ni King Charles III.
How sad!
- Latest
























