^

Metro

Student innovators, nagwagi sa 3rd Startup Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Student innovators, nagwagi sa 3rd Startup Quezon City
Quezon City Map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nanguna ang mga student innovators sa ikatlong Startup QC Student Competition matapos magpakita ng makabagong solusyon sa mga problema sa basura, daluyan ng tubig, urban farming at poultry industry sa ginanap na kompetisyon sa Quezon City MICE Center sa QCHall nitong Setyembre 3.

Itinanghal na grand champion ang Creekbin na nagwagi ng P100,000 para sa solar-powered waste collection at waterway monitoring system na gumagamit ng Internet of Things (IoT) upang awtomatikong mangolekta ng basura at masubaybayan ang mga lumulutang na basura sa mga daluyan ng tubig.

Ikalawang puwesto naman ang Agriculture Farming Innovation Technology na tumanggap ng P75,000 para sa compact feed mixer and cutter para sa livestock farms, habang ikatlo ang Birdseye na nagkamit ng P50,000 para sa AI- at IoT-enabled monitoring system na tutulong sa biosecurity ng poultry farms.

Napili ang mga nangungunang koponan mula sa 153 team applications mula sa buong bansa. Ayon kay QC LEDIPO Head Jay Gatmaitan, ipinakita ng kompetisyon ang kakayahan ng kabataan na makabuo ng praktikal na solusyon para sa komunidad at industriya. Hinikayat naman ang mga kalahok na ipagpatuloy ang kanilang mga proyekto sa pamamagitan ng mga programang mentoring, networking at posibleng funding ng Startup QC.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with