^

Metro

Higit P141 milyong ‘kush’ nasamsam sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walong bagahe na naglalaman nang humigit-kumulang 94.597 kilo ng marijuana na “kush” at  nagkakahalaga ng P141.895 milyon ang  nasamsam ng Bureau of Customs–Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa NAIA.

Nabatid na naka-check in ang mga abandonadong bagahe nang sumailalim sa inspeksyon ng PDEA K9 sa Interline Baggage Room ng NAIA Terminal 3 at nakitaan ng mga indikasyon ng posibleng ilegal na droga.

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng BOC, PDEA, Customs Anti-Illegal Drug Task Force, Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service, at NAIA-District Intelligence and Tactical Group.

Sa pamumuno ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, patuloy na pinalalakas ng BOC ang proteksyon sa hangganan at koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiya habang pinapadali ang lehitimong kalakalan at paglalakbay.

“Ang pagprotekta sa ating mga hangganan ay nangangahulugan ng pagprotekta sa ating mga mamamayan. Mananatili kaming mapagmatyag at patuloy na makikipagtulungan sa ating mga katuwang sa pagpapatupad ng batas upang matiyak na ang ating mga dau­ngan ay hindi ginagamit bilang daanan para sa mga ilegal na droga at iba pang banta sa ating mga komunidad,” ani Nepomuceno.

NAIA

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with