PANOORIN: VP Sara Duterte, haharapin ang mga arrest warrants
MANILA, Philippines — Kumpirmadong natanggap na ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ang warrant inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 nitong hapon ng Semptember 4 para sa tatlong counts ng grave threats at may piyansang P120,000 para sa bawat kaso.
Kaugnay ito ng mga pahayag ni Duterte tungkol sa isang umano’y hitman na target umano sina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at noon ay Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa Department of Justice, nakita ng korte ang probable cause para ituloy ang kaso at ibinasura rin ang mosyon ni Duterte na ipagpaliban o bawiin ang arrest warrant at i-quash ang information.
- Latest























