DepEd pinangunahan Nationwide School Safety Drill

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Department of Education (DepEd) ang sabayang pagdaraos ng National Simultaneous School Safety Drill sa buong bansa kahapon, bilang bahagi ng kanilang School Safety Contingency Plans.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan ng mga paaralan sa pagtugon sa active threat scenarios at iba pang emergency. Isa sa mga tampok na lugar ng drill ay ang Carlos F. Gonzales High School sa Bulacan, na dinaluhan nina DILG Secretary Jonvic Remulla, DepEd Undersecretary Malcolm Garma, at Assistant Secretary Jocelyn Andaya.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na ang mga paaralan ay dapat magsilbing ligtas na santuwaryo para sa mga mag-aaral. Dagdag pa ng kalihim, ang drill ay hindi para magdulot ng takot kundi upang matiyak na handa ang school community sa oras ng emergency.
Ayon sa DepEd, ang simulation ay sinuri ng multi-agency observers mula sa DILG, PNP, at Disaster Risk Reduction and Management Offices upang matukoy ang operational gaps at mapahusay pa ang localized contingency plans.
- Latest



















