^

Bansa

Prosecution tatakbo sa SC ‘pag pinairal 16-vote threshold

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa ang prosecution panel na dalhin sa Korte Suprema ang usapin kung ipatutupad ng Senate impeachment court ang panuntunang 16 boto para mahatulan si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House impeachment adviser at tagapagsalita na si dating Rep. Robert Ace Barbers, posibleng maghain ng petisyon ang prosecution kung mapanatili ng Senado ang interpretasyon na 16 boto ang kailangan para sa conviction.

“Kapag dumating ang tamang panahon at may injury na nagawa, kami mismo sa prosecution ang mag-iinitiate ng pag-akyat sa Supreme Court. Pero kung wala naman, walang dahilan para dalhin ito roon,” ani Barbers.

Binanggit ni Barbers ang sitwasyon ng ilang senador: sina Sen. Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta ay kasalukuyang nakakulong, habang si Sen. Ronald dela Rosa ay nagtatago dahil sa warrant of arrest ng International Criminal Court kaugnay ng drug war.

Batay sa Article XI ng Konstitusyon, kinakaila­ngan ang two-thirds vote ng lahat ng 24 senador o 16 boto para ma-convict ang isang opisyal sa impeachment trial.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with