PANOORIN: VP Sara, naging director ng Metro City Chow — SEC
MANILA, Philippines — Nakalista si Vice President Sara Duterte bilang incorporator at director ng Metro City Chow Foods Corporation nang itatag ang kumpanya noong 2016, ayon sa mga record ng Securities and Exchange Commission (SEC) na iniharap sa impeachment court.
Sa pagdinig nitong Setyembre 21, sinabi nig testigong si SEC Director Gerardo del Rosario na P12,500 pa lamang ang nabayaran ni Duterte sa kanyang P50,000 subscription sa kumpanya.
Tinanong ng abogadong si Erwin Matib, counsel ng panel of prosecutors, kung nangangahulugan itong may natitira pang obligasyon si Duterte sa kumpanya.
“Opo, ayon sa articles of incorporation,” sagot ni Del Rosario.
Kinumpirma rin ni Del Rosario na naging miyembro si Duterte ng Board of Directors ng Metro City Chow Foods mula 2018 hanggang 2025, batay sa General Information Sheet (GIS) ng kumpanya.
- Latest


















