Nationwide safety drill ng DepEd ikakasa bukas
MANILA, Philippines — Isasagawa ng Department of Education (DepEd) ang National Simultaneous School Safety Drill sa mga paaralan sa buong bansa bukas, Setyembre 3 bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng banta sa seguridad sa mga paaralan.
Ayon sa DepEd, ang aktibidad ay tututok sa institutional preparedness sa active threat scenarios habang binabantayan ang kapakanan ng mga kalahok dito.
“The rescheduled drill follows continuous dialogues with medical and mental health partners—including the Philippine Psychiatric Association, the Philippine Society for Child and Adolescent Psychiatry, and the Philippine Pediatric Society—to ensure safety protocols align with child-centered, trauma-informed standards under the “Do No Harm” directive,” anang DepEd.
Binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara na ang physical security at mental health ng mga kabataan ay dapat na ituring ng school safety policies bilang hindi mapaghihiwalay na prayoridad.
Bago ang drill, kinakailangan din anilang magsagawa ng paghahanda ang mga kalahok na paaralan, kabilang na ang capacity-building training para sa mga guro, school readiness assessments, at age-appropriate orientations para sa mga mag-aaral.
Upang matiyak naman ang psychological readiness at maiwasan ang pagkabigla, ang mga school heads at mga guro ay dapat umanong magbigay ng advance notice sa mga mag-aaral, kanilang mga guro at mga staff.
- Latest






















