^

Bansa

Pilandok, napanatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pilandok, napanatili ang lakas
Motorists cautiously navigate gutter-deep floodwaters along the national highway in Paete, Laguna on Monday, following successive rains brought by the southwest monsoon.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Napanatili ni Bagyong Pilandok ang kanyang lakas habang nananatili sa Philippine Sea sa sila­ngan ng Extreme ­Northern Luzon, ayon sa ulat ng PAGASA kahapon.

Alas-11 ng umaga, huling namataan si Pilandok sa layong 1,160 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Halos stationary ang galaw ng bagyo.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Ngayong Martes, Setyembre 1, inaasahang lalakas pa si Pilandok bilang isang tropical storm.

Sa Miyerkules, Set­yembre 2, inaasahang hihina ito at muling magi­ging tropical depression.

Inaasahang hindi magla-landfall si Pilandok at mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas.

Inaasahang lalabas ng PAR si Pilandok pagsapit ng Miyerkules, Setyembre 2.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with