^

PM Sports

Eala-Stoiana game papalo sa Setyembre 2

Chris Co - Pang-masa
Eala-Stoiana game papalo sa Setyembre 2
Nagpapirma ng autograph kay Alex Eala ang mga fans na dumagsa sa stadium sa kanilang ensayo ni Naomi Osaka ng Japan sa Grandstand Court.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kasado na ang bakba­kan nina Pinay netter Alex Eala at Mary Stoiana ng Amerika sa Setyembre 2 sa US Open women’s singles sa USTA Billie Jean King Center sa Flu­shing Meadows, New York.

Base sa inilabas na schedule ng US Open organizers, lalaruin ang first-round match nina Eala at Stoiana sa Martes alas-8:40 ng gabi sa New York (alas-8:40 ng umaga sa Miyerkules sa Maynila).

Gaganapin ito sa Louis Armstrong Stadium namay seating capacity na mahigit 14,000 na inaasahang dudumugin ng Pinoy fans na nais mapanood ng personal si Eala.

Pukpukan na ang pag­hahanda ni Eala para sa pagbabalik nito sa US Open.

Nag-ensayo pa ito kasama si Grand Slam champion Naomi Osaka ng Japan.

Gaya ng inaasahan, practice game pa lamang ni Eala ay dinudumog na ito ng fans.

Kaliwa’t kanan ang mga nais magpa-autograph at magpakuha ng picture sa Pinay tennis ace.

Nakasama rin ni Eala sa ensayo si Toni Nadal — ang uncle ni Grand Slam winner Rafael Nadal at bahagi ng Rafa Nadal Academy.

Nagbigay ng payo si Toni sa magiging estratehiya ni Eala sa mga laro nito.

Partikular na tinutukan ni Toni ang serve ni Eala na unti-unti nang nag-iimprove sa bawat laban nito.

Nag-viral pa ang ‘fookelya serve’ na ipinangalan ng ilang netizens sa serve ni Eala.

“Maybe they mean for it to be positive but I don’t know what I’m feeling when I hear that. I work so hard for my serve. The work that I’ve put into, you know, and I love my serve. It’s like my coach says, it’s like my little brother, like I’m an ate to my serve,” ani Eala.

Ngunit para kay Eala, nais nitong magkaroon ng mas positibong tawag sa kanyang serve sa halip na fookelya serve.

“I think I would appreciate a more positive term. But I think I don’t think they mean it in a bad way,” dagdag ni Eala.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with