^

Probinsiya

Pulis nambugbog, nang-aresto ng estudyante, sinibak

Ed Amoroso, Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pulis nambugbog, nang-aresto ng estudyante, sinibak
Sa ulat, bandang alas-11:30  ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng PSBank sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. San Agustin, Trece Martires City, Cavite.
STAR / File

CAVITE, Philippines — Sibak sa puwesto ang isang pulis na nakatalaga sa Gen. Trias Component City Police Station makaraang arestuhin nito ang isang college student na pinaghinalaang sangkot sa robbery, kamakalawa.

Sa ulat, bandang alas-11:30  ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng PSBank sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. San Agustin, Trece Martires City, Cavite.

Sa pagsisiyasat  ni Pat. Rolyn D. Pagayo, dakong alas-11:30 ng gabi, araw ng Huwebes, sakay ang biktima na si alyas “Ace” ng motorsiklong Mio Sporty na may plakang 4640KW at angkas ang kaklaseng si alyas “Andrei” at bumabagtas sa nasabing lugar. Hinabol umano sila ng isang Mitsubishi Mirage (NFK8547) sakay ang nasabing pulis hanggang sa masagi pa ng sasakyan nito ang motorsiklo ng magkaklase dahilan upang sila ay sumemplang.

Sa takot, tumakbo ang dalawa subalit nakita ni Ace na may baril ang lalaki kaya napilitang huminto sa pagtakbo habang nakalayo ang kasamang si alyas Andrei. Dito na umano tinutukan ng baril sa ulo ang estudyante ng si Ace at ginulpi saka puwersahang isinakay sa kanyang sasakyan at dinala sa istasyon ng pulisya.

Sa pag-iimbestiga sa istasyon, napatunayan na hindi nasangkot sa Robbery ang biktima taliwas sa alegasyon ng pulis. Dahil dito, inaresto siya ng mga kabaro at kinumpiska ang issued firearm nito at isang Canik pistol na walang magazine.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with