^

Bansa

Tulfo: 2 senador, lilipat sa Majority Bloc

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tulfo: 2 senador, lilipat sa Majority Bloc
Ramon “Mon” Tulfo
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ibinunyag sa social media nitong Biyernes ng beteranong kolumnistang si Ramon “Mon” Tulfo ang umano’y posibleng pagsanib ng dalawang senador mula sa minority patungong majority bloc sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Tulfo na nalaman niya mula sa kanyang “tweety bird” na may dalawang senator-judges na lilipat ng kampo.

“May dalawang senator-judges na sasanib na sa majority bloc kapalit ng lubayan na sila, ayon sa aking tweety bird,” ani Tulfo.

Naniniwala ang ko­lumnista na ang naturang hakbang ay nangangahulugang tatalikod ang mga ito sa minority at boboto pabor sa conviction ni Vice President Sara.

“Pero syempre may kapalit kung sakaling tatawid sila ng bakod dahil pareho silang nahaharap sa mga mabibigat na kaso,” dagdag pa niya.

Nagbigay pa ng clue si Tulfo sa hindi pina­ngalanang mga senador sa pagsasabing: “Pareho silang may sakit ngayon.”

Kamakailan, napaulat na si Senator Loren Legarda ay bumiyahe patungong ibang bansa at kalaunan ay kinumpirma ni Senate President Win Gatchalian na may seryosong karamdaman ang senadora.

Dalawa pang miyembro ng minority bloc, sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, na kapwa nakapiit, ay napaulat ding may iniindang karamdaman.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with