^

Metro

4 lugar sa Quezon City inirekomendang detention basin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para tuluyang maiwasan ang mga matitinding pagbaha sa Quezon City, inirekomenda ni Mayor Joy Belmonte kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang apat na lugar sa lungsod na maaaring pagtayuan ng detention basin o water storage facility.

Ayon kay Atty. Mark Dale Perral, hepe ng QC Engineering Department, ang mga lugar ay sa Sto. Domingo Ave., Matalahib Creek, bahagi ng UERM sa Aurora Boulevard, at Apolonio Samson sa may Balintawak QC.

Aniya, ang mga pasilidad ay pansamantalang mag-iimbak ng tubig-ulan habang malakas ang ulan upang hindi agad umapaw ang tubig sa mga kalsada.

Sinabi pa ni Perral na kinailangan na ilapit na ito sa DPWH dahil na­ngangailangan ang bawat pasilidad nang higit P1 Bilyong pondo.

Ang detention basins ay bahagi ng master drainage plan ng lokal na pamahalaan ng QC.

Samantala, sinabi ni QC Disaster Risk Reduction and Management Department spokesperson Peachy de Leon na patuloy ang pagsasagawa ng mga training para sa mga barangay para mapalakas ang kanilang kahandaan at pagtugon sa panahon ng sakuna.

DPWH

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with