Schedule ng VP Sara trial pag-uusapan sa Lunes

MANILA, Philippines — Matapos maantala ng ilang araw dahil sa masamang panahon, nakatakdang magpulong bukas, Lunes, ang mga senador upang talakayin ang iskedyul ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senador Erwin Tulfo, magsasagawa ng pagpupulong ang Majority at Minority blocs upang kunin ang consensus ng mayorya kung sang-ayon silang ilipat sa hapon ang pagdinig.
Giit ni Tulfo, mas mahaba ang oras sa hapon at makatutulong ito upang mapabilis ang impeachment trial.
Samantala, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ang sentimyento nang karamihan sa senator-judges ay magsimula ang impeachment trial tuwing 2:30 ng hapon simula Setyembre 1.
Nauna ring iminungkahi ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri na isagawa ang plenary session sa umaga at ang impeachment trial sa hapon.
Ang mga suhestyon ay bunsod ng maagang suspensyon ng trabaho sa Senado nitong Lunes dahil sa malakas na ulan, at pagkaka-postpone ng impeachment trial noong Martes at Miyerkules dahil sa pagbaha dulot ng habagat sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Bukod sa impeachment trial, naapektuhan din ang pagdinig para sa 2027 national budget.
- Latest




















