Eala dumating na sa New York

MANILA, Philippines — Dumating na si Pinay netter Alex Eala sa New York City upang doon ipagpatuloy ang preparasyon nito para sa US Open na lalarga sa Agosto 30 sa New York.
Nagpost si Eala sa kanyang social media kung saan sabik na ito sa kanyang bagong labang haharapin.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na maglalaro ito sa main draw ng US Open.
“Coming for you NY,” ani Eala.
Galing si Eala sa Mason, Ohio kung saan umabot ito sa third round ng Cincinnati Open.
Bago ang singles event, sasabak muna si Eala sa mixed doubles kung saan kapares nito si world No. 4 Felix Auger-Aliassime ng Canada.
Excited na si Aliassime na makapares si Eala.
“It is a great opportunity because I did not play last year, but this time around to feel what it’s like to have the Eala effect and fan base behind me is going to be funny,” ani Aliassime.
Sabik na rin si Aliassime na maramdaman ang Eala mania.
“She is younger than me but she has the fan base. She is carrying the crowd, so it’s going to be interesting,” aniya.
Tatakbo ang mixed doubles mula Agosto 24 hanggang 26.
Matapos ang mixed doubles, masisilayan naman si Eala sa US Open exhibition match na tinawag na Stars of the Open.
Makakalaban ni Eala ang kaibigan nitong si Iva Jovic ng Amerika sa Agosto 27. Magsisimula naman ang main draw ng US Open sa Agosto 30.
Sa taong ito, isa si Eala sa mga seeded players sa US Open dahil sa mataas na ranking nito sa WTA. Kasalukuyan itong nasa No. 18 sa WTA live rankings.
Kaya’t malaki ang posibilidad na mas mababa pa sa No. 18 ang magiging seed ni Eala dahil hindi lalaro sa US Open si Victoria Mboko ng Canada na kasalukuyang nagpapaga-ling sa kanyang injury.
- Latest























