^

PM Sports

Tim Cone ‘di pa kuntento sa Gilas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng panalo sa isang tuneup game, hindi pa kuntento si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa ipinamalas ng kanyang bataan.

Naitarak ng Pinoy cagers ang 81-76 panalo laban sa Korean basketball League team Ulsan Hyundai sa kanilang unang tuneup game sa SMC gym sa Pasig City.

Subalit para kay Cone, marami pang kailangang plantsahin para matiyak na solido ang galaw nito bago ang FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Agosto 28.

“We didn’t play well. Finetuning still needs to be done in the coming days,” ani Cone.

Nasilayan sa tuneup game si Kai Sotto — ang kanyang unang laro kasama ang Gilas Pilipinas.

Huling naglaro si Sotto suot ang Gilas Pilipinas jersey noon pang Nobyembre 24, 2024 nang makasagupa ng Pinoy squad ang Hong Kong sa FIBA Asia Cup Qualifiers.

Malaki ang magiging papel ni Sotto sa Gilas.

Bukod sa depensa, maaasahan din ito sa opensa at assist para mas lalong palakasin ang tsansa ng Pinoy cagers sa qualifiers.

Aminado si Cone na hindi magiging madali ang mga laban nito sa second round ng FIBA World Cup Asian Qualifers.

Palaban ang Jordan at Iran sa unang dalawang teams na makakasagupa nito sa second round.

Una ang Jordan sa Agosto 28 kasunod ang Iran sa Agosto 30 na parehong lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naglaro ang Jordan sa Jones Cup sa Taipei, Taiwan bilang preparasyon nito sa qualifiers.

Dumating naman na sa Pilipinas ang Iran para makaagapay sa klima gayundin sa body clock ng mga ito.

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with