Grade 8 arestado sa drug buy-bust operation
MANILA, Philippines — Isang Grade 8 student ang naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakumpiska ang P418,000 halaga ng droga sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Purok-9B, Sitio San Isidro, Brgy. Puro, Legazpi City, Albay nitong Huwebes ng gabi.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na si Marwil, 23-anyos, residente ng Purok-1, Brgy. Bitano na itinuturing ng PDEA na high value individual.
Ang pagsasagawa ng buy-bust dakong alas-7:13 ng gabi ay dahil sa mga natatanggap na ulat ng PDEA-Albay tungkol sa suspek na nagbebenta ng droga.
Agad inaresto si Marwil nang i-abot sa poseur buyer ang biniling droga at nasamsam ang 60-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000; at apat na vape cartridges na may lamang liquid marijuana na tinatayang nasa 4-gramo ang timbang at nagkakahalaga ng 10-libong piso.
Kasama sa sinamsam ng PDEA ang dalang sasakyan ng suspek na isang Nissan Teana Sedan na ginagamit nito sa ilegal na transaksyon.
- Latest















