^

PSN Palaro

Eala pinagpahinga agad ni Anisimova

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala pinagpahinga agad ni Anisimova
Gigil na ibinalik ni Alex Eala ang bola kay Amanda Anisimova.

MANILA, Philippines — Bigo si Alex Eala na masundan ang magan­dang ratsada nito nang matalo ito kay Amanda Anisimova ng Amerika, 6-4, 4-6, 2-6, sa third round ng Cincinnati Open kahapon sa Lindner Family Tennis Center P&G Center Court sa Mason, Ohio.

Aminado si Anisimova na hindi ito na­ging madali para sa kanya dahil alam nitong hindi basta-basta sumusuko si Eala sa bawat laban nito.

“I know Alex is such a great player and such a fighter. I knew it was gonna be a really tough match,” ani Anisimova.

Dominado ng Pinoy fans ang crowd ngunit may ilang grupo ang sumuporta para sa American netter.

Kaya naman nagpasalamat si Anisimova sa mga sumuporta sa kanyang laban.

“There was quite a bit of support for me tonight so I really appreciate that, because I know how loved Alex is. And for good reason. But I really appreciated it because I felt like I needed a pick me up in this match because it’s past my bed time,” ani Anisimova.

Maganda ang simula ni Eala na nakuha ang 1-0 kalamangan sa set.

Subalit mabilis na nakabangon si Anisimova nang ilatag nito ang solidong laro sa second set para itabla ang laro sa 1-1.

Sa third set, nagawang makuha ni Eala ang 2-0 bentahe.

Ngunit iyon na lamang ang nakayanan nito matapos itarak ni Anisimova ang 6-0 run para makuha ang panalo. Tumagal ang laro ng dalawang oras at 28 minuto.

Hindi naman uuwing luhaan si Eala dahil nagbulsa ito ng $47,375 o halos P3 milyon.

Sunod na paghahandaan ni Eala ang US Open na aarangkada sa Agosto 30 sa New York.

Siguradong seeded player na si Eala sa main draw ng US Open singles dahil sa mataas na puwesto nito sa WTA ran­kings.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with