Eala inspirasyon ng sambayanan

MANILA, Philippines — Isa nang world icon si Alex Eala na tunay na kilala na sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kaya naman nais nitong ipagpatuloy lamang ang pagbibigay ng positibong inspirasyon sa mga Pilipino partikular na sa mga kabataang atleta na naghahangad na umangat sa kani-kanyang mga sports.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang laki ng impact ni Eala sa Pilipinas.
Dinala ng Pinay netter ang bandila ng Pilipinas sa international stage.
Nagsimula ito sa kanyang ratsada sa Miami Open noong nakaraang taon kung saan umabot ito sa semifinals.
Nagtuy-tuloy ang magandang ratsada ni Eala kabilang na ang mga solidong performance sa Wimbledon at US Open.
Nakaabot si Eala sa fourth round ng Wimbledon sa London habang nakarating ito sa third round ng ginaganap na US Open sa New York.
“One thing I’ve learned this past year is really the power of representation and how deep of an effect it can have,” ani Eala.
Sa bawat laban nito, dinudumog si Eala ng mga Pinoy supporters na nais mapanood ang kanyang laban.
“When I interact with the people who support me and they tell me their stories, it really touches me. So, you know, I just hope that whatever I do and the job that I have and my day to day work inspires other people and inspires the youth especially to chase their dreams,” ani Eala.
Nasungkit pa ni Eala ang kanyang kauna-unahang WTA title nang pagreynahan nito ang Mubadala DC Open sa Washington DC.
Dahil sa kanyang mahuhusay na resulta, umangat si Eala sa WTA rankings.
Kasalukuyan na itong No. 18 — ang pinakamataas na puwestong nakamit ng isang Pilipino sa world rankings.
- Latest

















