Lalaki utas sa saksak ng kainuman
MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang saksakin ng kainuman sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Tanay, Rizal nitong Sabado.
Dead-on-arrival sa Army Station Hospital ang biktimang si alyas “Edwin”, habang tinutugis pa ang suspek na si alyas “Edward”.
Sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas 11:30 ng gabi ng Agosto 15, naganap ang insidente sa Sitio Tarangkahan, Brgy. Cuyambay, Tanay, Rizal.
Habang nag-iinuman umano ang dalawa pasado alas-10:00 nang magsimula ang kanilang mainitang pagtatalo, hanggang sa mauwi sa suntukan at pananaksak ng suspek.
Matapos ang pananaksak ay tumakas na ang suspek dala ang ginamit na patalim.
Isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit agad ring binawian ng buhay. Hindi pa tukoy ang dahilan ng pag-aaway.
- Latest
















