Trader timbog sa P16 milyong puslit na yosi

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakaaresto sa isang negosyante habang nakumpiska rin ang umaabot sa P16 milyong halaga ng pinaghihinalaang smuggled cigarettes sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Zamboanga, ayon sa opisyal kahapon.
Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing negosyante na sangkot sa illegal na aktibidades ay isang 47 anyos na residente ng Bas Nonok, Lugus, Sulu ay nasakote sa Brgy. Baliwasan Grande ng lungsod noong Agosto 13.
Sinabi ni Col. Allen Rae Co, Acting Chief Public Information Office ng PNP, ang suspect ay nasakote ng pinagsanib na mga operatiba ng CIDG Regional Field Unit 1, 2nd Zamboanga City Mobile Force Company at Zamboanga City Police Station sa pakikipagkoordinasyon sa Bureau of Customs Region 9.
Hindi na nakapalag ang suspect nang arestuhin at nakumpiskahan ng 89 master cases, at 800 reams ng mga smuggled na sigarilyo na nasa P16,179,407 ang kabuuang halaga.
- Latest
















