Engineer, 2 kasabwat ninakawan ang sariling proyekto, kalaboso

MANILA, Philippines — Hindi nakalusot sa on-site security personnel ang tatlong indibidwal sa pagsasabwatan na nakawin ang 133 kilo ng scrap copper wires sa West Side City Project, J.W. Diokno Boulevard, Barangay Tambo, Parañaque City, noong Huwebes ng hapon.
Arestado ang isang 25-anyos na leadman, isang 44-anyos na project manager, at isang 31-anyos na bahagi at pawang empleyado ng Building Management System (BMS) engineering worker, na naaktuhan ng on-duty guard habang ikinakarga ang scrap wires sa isang van dakong alas-4:38 ng hapon ng Agosto 13, 2026.
Kinuha umano mula sa bodega ng project site ang mga scrap materials ng hindi awtorisado.
Naharang naman ang van na pinagsakyan ng scrap materials at nang inspeksyunin ay natukoy na mga copper wires na nagkakahalaga ng P215,000.00 ang mga scrap copper wires na nasa 9 na sako.
Itinurn-over ang mga suspek sa Parañaque police.
- Latest




















