^

PSN Opinyon

Kap Nemo, sumigaw na vs jueteng sa Albay!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NASA warpath na si Kap Nemo! Isinigaw na ni Kap Nemo ang dalawang pulitiko at dalawang bigtime contractors na nasa likod ng jueteng operations sa Albay. Hindi na nakatiis si Kap Nemo sa panggigipit at pananakot ng kampo ng jueteng operators at inilabas n’ya ang kanyang hinanakit sa isang prescon noong Biyernes.

Ayon kay Kap Nemo, buong puso n’yang pinatakbo ang jueteng sa Albay, ‘yaon pala matapos s’ya mapakinabangan ay tinigpas din s’ya. Araguyyyyy! ‘Ika nga, pinaakyat lang sa puno ng papaya itong si Kap Nemo ng mga jueteng operators pagkatapos tinigbak ang puno nito. Purbidang yawaahhhhh! Ninakaw lang ang kaalaman n’ya. Ang mabigat pa, may death threat s’ya sa ngayon. Dipugaaaaa! Kilala kaya nina Albay Gov. Noel Rosal at kosang Jun Alegre ang tinutukoy ni Kap Nemo na pulitikong nasa likod ng jueteng sa Albay? Sal-it! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Kap Nemo, tahimik s’yang namamahinga sa piling ng kanyang pamilya ng tawagan ng mga pulitiko at contractor ng nakaraang Enero para umpisahan ang palarong jueteng sa Albay. Maayos naman ang pag-uusap nila at tumakbo nga ang jueteng, ewan lang kung may basbas ito ni Gov. Rosal. Kaya lang biglang dumating ang Small Town Lottery ng PCSO subalit hindi ito napatakbo ng ilang linggo dahil walang may arok ng kalakaran nito. Kaya si Kap Nemo ang itinalagang operations manager.

Siyempre, hindi naman STL ang ginawang palaro kundi may “bookies ng STL.” Ang masama lang, matapos mapatining ni Kap Nemo ang takbo ng “bookies” bigla s’yang tinigbak, pati na ang mga tauhan n’ya sa mga istasyon. Sinabi ni Kap Nemo na wala namang problema kung sisibakin s’ya, kaya lang dapat isinangguni ito sa kanya ng matiwasay para maayos silang maghiwalay ng mga pulitko at contractors. May punto si Kap Nemo, di ba mga kosa? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Sa ngayon, may mga death threats na si Kap Nemo. Kaya ang ginawa n’ya, ang lahat ng ebidensiya na nakalap n’ya, tulad ng mga litrato, text messages at iba pa, ay ipinamigay n’ya sa mga kamag-anak, kaibigan at iba pang kaututang-dila para ibulgar kapag may nangyari sa kanya. Tsk tsk tsk! Dahil sa prescon, hindi na bomola ang jueteng sa Albay. Mabuti pa si Kap Nemo, napasara ang jueteng na ‘di kayang gawin ni PRO5 director Brig. Gen. Erosito Miranda. Mismooooo! Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with