^

Metro

203 trak na basura nahakot ng MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
203 trak na basura nahakot ng MMDA
Public Works Secretary Vince Dizon checks on the status of garbage-clearing operations along a critical drainage channel near Baclaran Church in Parañaque City on August 11, 2026. Edd Gumban/The Philippine STAR
STAR/ File

Sa Redemptorist Water Channel

MANILA, Philippines —  Umabot sa 203 truck ng basura ang nakolekta mula sa Redemptorist Water Channel ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa cleanup drive sa Baclaran, Parañaque City, mula Agosto 10 hanggang Agosto 13.

Ayon sa MMDA, ang nahakot na 203 truck  ay katumbas ng 2,246.6 cubic meters ng basura o 748.87 metriko tonelada. Nagsagawa rin ang mga awtoridad ng mano-manong paglilinis at gumamit ng trash skimmer para sa mabilis na pag-alis ng mga basura sa katubigan.

Bukod sa mga tauhan ng MMDA, katuwang din clearing operations team ng ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Fire Protection (BFP) Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang pamahalaang lungsod ng Parañaque at DOLE-TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).

Noong Miyerkules, Agosto 12, nang masaksihan mismo ang tila dagat ng basura ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si DPWH Secretary Vince Dizon at iba pang opisyal.

Nauna nang inilarawan ni Public Works Secretary Vince Dizon ang matinding pagtambak ng basura bilang isang “garbage crisis,” at idinagdag na lumawak na ang problema.

Nagmumula aniya, ang basura hindi lamang sa loob, kung di maging sa labas na ng Metro Manila na kapansin-pansin ang mga hindi natutunaw at nabubulok katulad ng mga plastic at styrofoam.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with