^

Police Metro

Lolo arestado sa paghalay sa dalagitang pamangkin

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang 68-anyos na lolo nang ito ay ireklamo ng kanyang 13-anyos na pamangkin ng panghahalay naganap nitong Huwebes ng umaga sa Brgy. Rizal, Taguig City.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng umaga nang arestuhin ang suspek ng Barangay Security Force sa loob ng kanilang bahay dahil sa reklamo ng pamangkin na siya ay hinalay nito.

Sa salaysay ng biktima na siya ay papasok na sa paaralan nang pumasok ang kanyang tiyo sa kuwarto at pwersahang pahubarin ng underwear at saka ginawan ng kahalayan. Nang makalabas na ng bahay ang biktima ay isinumbong ang pangyayari sa kaibigang babae at nanay nito na nagsumbong sa barangay at naaresto ang suspek.

Ang suspek na nakakulong na ay sinampahan ng reklamong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code (Acts of Lasciviousness) sa Taguig City Prosecutor’s Office.

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with