^

Metro

600K Pinoy hindi na gutom – DSWD

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
600K Pinoy hindi na gutom – DSWD
The Department of Social Welfare and Development launches the "Walang Gutom" Kitchen at Nasdake Building in Pasay City on Dec. 16, 2024.
Photo courtesy of DSWD

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 600,000 pamilyang Pilipino ang nakaranas ng pagbuti sa kanilang kalagayan pagdating sa pagkain, habang patuloy namang bumababa ang antas ng gutom, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inihayag ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isang press briefing sa Malacañang, batay sa dalawang yugto ng survey na kinomisyon ng isang telecommunications company at isinagawa ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa kalihim, 600,000 benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) ang nag-ulat ng mala­king pagbuti sa kanilang kalagayan kaugnay ng gutom, food insecurity, at kahirapan sa pagkain.

Nilinaw ni Gatchalian na hindi ang DSWD ang nagkomisyon ng survey kundi ang telecommunications company, habang ang SWS ang nagsagawa nito. Ang ginamit na questionnaire ay kapareho ng ginagamit sa regular na quarterly survey ng SWS. Saklaw ng pag-aaral ang 2,400 respondents na isinagawa sa dalawang yugto—Pebrero 24 hanggang Marso 8 at Hunyo 22 hanggang Hulyo 1.

Layunin ng survey na masukat ang pagbabago sa kalagayan ng mga benepisyaryo at hindi benepisyaryo ng WGP, partikular sa kanilang karanasan sa gutom, kawalan ng seguridad sa pagkain at sariling pagtataya sa kanilang kalagayan pagdating sa pagkain at kahirapan.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with