^

Police Metro

Flood control epektibo, pero kulang pa rin – Marcos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kahit paano ay nabawasan ang pagbaha sa ilang lugar sa bansa, ngunit aminado siyang marami pang kailangang gawin ang pamahalaan upang mas mapabuti ang flood-control efforts.

Sa kanyang pag-iinspeksyon sa mga isinasagawang flood-control operations sa Las Piñas City, kabilang ang paglalagay ng high-vacuum self-priming drainage trailer pump na layong pababain ang lebel ng tubig sa Alido River at makatulong na mabawasan ang pagbaha sa mga kalapit na lugar.

Ayon kay Marcos, matagal na ring hindi naisagawa ang dredging dahil sa ipinatupad na moratorium na tumagal nang 12 taon, dahilan upang unti-unting mababaw ang mga ilog at spillway.

“Effective naman ang ating ginagawa, ngunit kulang pa rin.”

Iginiit ng Pangulo na bagama’t may nakikitang epekto ang mga kasalukuyang hakbang, kailangan pang palakasin at dagdagan ang mga intervention upang mas maging epektibo ang pagtugon sa problema ng pagbaha.

Sinabi rin ni Marcos na inatasan niya si DPWH Secretary Vince Dizon na repasuhin ang mga plano para sa proyekto.

Dahil sa malaking dami ng basu­rang bumara sa mga daluyan ng tubig, nanawagan ang Pangulo sa mga lokal na pamahalaan at mga residente na tiyaking maayos ang pagtatapon ng basura.

BBM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with