^

Metro

Higit 9k barangay prone sa landslides, pagbaha - MGB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Prone ang higit sa 9,000 barangay sa bansa sa landslides at pagbaha dahil sa pag uulan, batay sa pahayag ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ito ay inihayag ng MGB bunsod na rin ng walang patid na pag-ulan na nararasan sa Luzon at Visayas sanhi ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Dolphin na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa tala ng MGB, mula August 8 hanggang August 11, ang Ilocos Region ang may pinakamataas na bilang ng mga barangays o nasa 2,933 na barangay na prone sa baha at landslides samantalang ang Central Luzon ay may 1,997 barangay ang prone sa landslides samantalang nasa 1,806 barangay sa Calabarzon.

Ilang barangay din sa Metro Manila ang prone sa baha nasa 1,403 barangangas mula sa Maynila, Las Piñas, Makati, Muntinlupa, Parañaque at iba pa.

Nasa 707 barangay naman sa Cordillera Administrative Region at 47 barangay sa Cagayan Valley na dumadanas ng matinding lakas ng ulan.

Prone rin sa baha at landslides ang 113 barangays sa MIMAROPA at 90 barangay sa Western Visayas.

LANDSLIDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with