^

PSN Opinyon

2 pulis inaresto ng kabaro nila sa pagbebenta ng baril

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAY mukha pa bang ihaharap sa madlang pipol itong 2 pulis Caloocan na inaresto nang kanilang kabaro sa isinagawang buy-bust operation sa Riles Compound Barangay 5, Caloocan City. Kasi nga naman, halos lahat ng kapulisan sa ngayon ay tudo ang isinasagawang paggagalugad ng mga pusakal na sangkot sa pagbebenta ng mga baril at gun-for-hire na nagre-resulta pa nga kung minsan nang pag­ka­matay sa mga ito dahil wala ngang sinasanto itong mga criminal. Subalit para sa 2 ‘Ungas’ na 2 pulis abay, tila mas inuna pa nila ang kanilang kapretso o luho kesa sa kapakanan nang kanilang sinumpaang tungkulin sa madlang pipol, sa halip kasi na pangunahan nila ang pagsamsam at paghuli sa mga ibulbado sa pagbebenta ng baril, sila pa mismo ang nagbebenta. Kaya’t dumating na ang kanilang ‘Karma’ sa buhay dahil mismong mga kabaro nila sa Caloocan City police station ang lumipol sa kanila. Hehehe!

Ang operasyon ay pinamumunuan ni P/LtCol. Rengie Deimos, ang Deputy Chief of Caloocan City Police, kasama ang 20 tauhan nito. Wala na kawala ang mga ito at siguradong masisibak at mahuhubaran na sila nang kanilang umiporme dahil sa umuusok ang mga butas ng ilong nitong si Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., matapos na iharap ito sa kanya ni P/LtCol. Deimos. Kaya naman inihayag nitong si Nartatez na tatanggalin na ang mga ito sa hanay ng kapulisan at kahaharapin nito ang isang katerbang kaso upang hindi na sila maka-balik pa sa imahe ng PNP.

Kung sabagay nararapat lamang na ipataw sa mga ito ang “Dismissal” na parusa dahil nga kung nakalusot ang mga ito tiyak na marami na namang armas ang kakalat sa kalye at siguradong lalaganap ang krimen lalong-lalo na doon sa mga riding-in-tandem at gun-for-hire group mahirap na i-nuetralized ng mga kapulisan. Ang masaklap nito, sa laki ba naman ng mga suweldo ng mga kapulisan sa ngayon, nagagawa pa nilang magsideline sa pagbibinta ng baril para itustos sa kanilang k-pretso at luho. Di ba mga suki?

Kaya’t tuloy may mga pakiusap itong aking mga nakasalamuha na sana’y ilantad ang mga tunay na mga pangalan nitong mga pulis at maging ang kanilang mukha upang maiwasan na nila ito na makaharap at makahalubilo. Kung sabagay bawal ito para sa Commision on Human Rigjts dahil bawat mga individual na nahuhuli ay may karapatan paring sila hanggat hindi pa nahuhusgahan nang korte. Kaya’t tuloy ang huring-huring nang iba ay baka dumating na naman ang mga araw na muling makabalik ang mga ito sa kanilang serbisyo dahil sa kanilang mga konekyon sa mga matataas na opisyal ng PNP. Subalit, sa panahon ngayon mga suki, dapat lamang na pagkatiwalaan natin itong ating mga opisyales ng ating mga kapulisan sa isinasagawa nilang Internal Cleansing sa hanay ng PNP, sa totoo lang daang pulis na ang hinubaran ng uniporme at sinibak na sa emahe ng PNP at kung may ‘Bugot’ pang natitira abay, hindi malayong isusunod na sila ni PNP chief Nartatez Jr., na walisan sa nahay ng kapulisan. Get nyo mga suki! Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with