^

PM Sports

Student Regent kinoronahan sa Audi Philippine Cup

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ng Student Regent ang kanyang husay sa karerahan matapos nitong sikwatin ang korona sa Audi Philippine Cup na nilarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas kahapon.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Madam Edrea para hawakan ang bandera pero sinundan agad ito ng liyamadong Student Regent, Animo Magnolia at Dame Of Pania habang nasa hulihan ang Yani Yana Lass.

Pagsapit sa kalagitnaan ng karera ay magkapa-nabayan na sa unahan ang Madam Edrea at Student Regent habang nakadikit din sa kanila ang Dame Of Pania.

Papalapit ng far turn ay kumukuha na ng unahan ang Student Regent, nasa pangalawa na ang Madam Edrea habang umuusad na rin ang Dame Of Pania.

Pagdating ng huling kurbada ay isang kabayo na ang lamang ng Student Regent sa pumapangalawang Dame Of Pania habang si Madam Edrea na nasa tersero puwesto ay nakikitaan pa rin ng lakas.

Pero nanatili ang tikas ng Student Regent sa rektahan at umunat pa ito sa limang kabayo sa nagtatagisan ng bilis sa pangalawang puwesto na Dame Of Pania at Madam Edrea.

Tinawid ng Student Regent ang meta ng may pitong kabayong agwat sa pumangalawang Madam Edrea, tersero ang Dame Of Pania habang pumang-apat ang Yani Yana Lass.

Ginabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, nirehistro ng Student Regent ang tiyempong 1:40 minuto sa 1,650 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owners na sina Joseph Dyhengco at Ceasar Daniel Castro ang P300,000 premyo.

Napunta sa pumanga­lawang Madam Edrea ang P112,500 habang P62,500 at P25,000 ang third at fourth placers na Dame Of Pania at Yani Yana Lass, ayon sa pagkakasunod sa naturang event.

JOCKEY CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with