^

PM Sports

Gilas may 2 tuneup games sa Auckland

Chris Co - Pang-masa
Gilas may 2 tuneup games sa Auckland
Makakalaban ng Pinoy cagers ang Manawatu Jets at Franklin Bulls na parehong naglalaro sa National Basketball League sa New Zealand.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sasalang ang Gilas Pilipinas sa dalawang tuneup games sa Auckland, New Zealand bilang bahagi ng paghahanda nito para sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makakalaban ng Pinoy cagers ang Manawatu Jets at Franklin Bulls na parehong naglalaro sa National Basketball League sa New Zealand.

Unang makakalaban ng Gilas ang Manawatu Jets sa Hunyo 28 sa Fly Palmy Arena sa Manawatu-Whanganui Region.

Haharapin naman ng national team ang Franklin Bulls sa Hunyo 30 sa Franklin Pool and Leisure Centre.

Excited na ang Bulls na makalaban ang Gilas Pilipinas.

“It’s very rare to get to see a team like the Philippines in person, let alone at home at the Stockyard,” ayon kay Bulls Club Director Scott Kelso sa kanilang official website.

Inaasahan ng Bulls na magiging matinding bakbakan ito na magi­ging kapaki-pakinabang sa parehong teams.

“The Bulls can’t wait to host Gilas Pilipinas and we are excited to welcome fans of both teams. This is going to be a great exhibition of basketball,” dagdag ni Kelso.

Nakatakdang umalis ang delegasyon ng Gilas Pilipinas sa Hunyo 23.

Maagang aalis ang Gilas para makaagapay sa malamig na weather ng Auckland.

Ang tuneup games ay bahagi ng paghahanda pra sa laban ng Gilas kontra sa New Zealand sa Hulyo 3 sa Auckland at sa Hunyo 8 laban sa Australia sa Perth.

Magsasagawa naman ngayong araw ng open practice ang Gilas Pilipinas sa FilOil Arena sa San Juan kung saan maaaring makapanood ang mga Pinoy fans.

“Gilas supporters! Get a chance to see the team before they leave for two road games. See you on Monday,” ayon sa post ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Nakatakda ang ensayo sa alas-8 ng gabi.

Ito na rin ang magsisilbing send off ng team bago tumulak pa-Auckland.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with