^

Metro

DPWH, pinag-iingat publiko vs pekeng empleyado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Nangangako rin ng posisyon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na opisyal o empleyado ng DPWH upang mangako ng posisyon o proyekto sa ahensiya.

Ang babala ay ginawa ni Dizon matapos na isang indibidwal ang magtungo sa DPWH Central Office para sa umano’y oath-taking ceremony ng kanyang posisyon bilang “Regional Director” batay sa dokumentong ipinadala sa pamamagitan ng online messaging application.

Siniguro naman ni Dizon na nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad upang mahuli ang mga naturang nanlolokong indibidwal.

“Nakikipagtulungan tayo sa PNP Anti-Cybercrime Group, NBI at sa PNP-CIDG para mahuli na itong mga loko-lokong kababayan natin na ito,” sinabi ni Secretary Dizon.

Pinapaalalahanan din niya ang publiko na ang lahat ng opisyal na appointment at iba pang transaksyon ng DPWH ay dumaraan lamang sa mga lehitimong proseso at opisyal na komunikasyon.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with