^

Metro

800 driver’s license pinawalang bisa, sinuspinde ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
800 driver’s license pinawalang bisa, sinuspinde ng LTO
Stock image of LTO driver’s license.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Sinuspinde at ipinawalang bisa ng Land Transportation Office (LTO) ang higit sa 800 driver’s licenses mula Oktubre hanggang Hunyo ngayong taon.

Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, sa naturang bilang, nasa 434 driver’s licenses ang na-revoke at nasa 396 ang suspendido.

Aniya, ang hakbang ay bahagi ng kampanya ng LTO na madisiplina at mawalis ang mga pasaway na driver at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Sinabi ni Lacanilao na sa 434 na-revoked na mga driver’s license, 325 dito ay kanselado ang lisensiya ng dalawang taon, 15 hanggang apat na taon at 94 driver’s ay tuluyan nang binawian ng lisensiya.

Sa 396 na suspendido ang lisensiya, 23 dito ay may isang buwang suspension, 290 tatlong buwan, 7 ay 6 na buwan, at 75 ay may isang taong hindi magagamit ang lisensiya. Muling nanawagan sa mga motorista ang LTO na palagiang maging disiplinado habang nasa kalsada at sundin ang batas trapiko upang hindi mabawian ng lisensiya ng ahensiya.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with