Rape suspek na nagtago sa gubat, naaresto
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Matapos magtago sa bulubunduking lugar sa loob ng apat na taon, isang wanted na lalaki para sa tatlong bilang ng statutory rape ang tuluyang naaresto nang pinagsanib na elemento mula sa Criminal Investigation and Detection-Calabarzon operatives at local units sa General Nakar, Quezon.
Sinabi kahapon ni Col. Ganaban Ali, CIDG-Calabarzon regional director, ang akusado na si Cristino Bey-Agan, 50, tubong bayan ng Besao, Mountain province at residente sa Sitio Matani, Barangay Umiray, General Nakar kung saan siya nasakote ng nilikhang tracker team bandang alas-2:30 p.m. Ang akusado ay nasa talaan bilang 8 sa National level-Most Wanted Persons na may pabuya sa ilalim ng Department of Interior Local and Government memorandum circular number 2025-26.
Sa rekord ng pulisya, ang tatlong insidente ay naganap sa General Nakar, Quezon kung saan ang isang biktima ay ginahasa mula noong 2022.
- Latest





















