Stepson kinatay ng 62-anyos na amain!

Alagang aso gustong pulutanin
MANILA, Philippines — Dahil sa pagtatanggol sa alagang aso na gustong katayin at pulutanin, napatay ng isang stepfather ang kaniyang stepson nang kanyang pagtatagain sa Brgy. Naulayan, Matag-ob, Leyte noong Martes.
Sa ulat ng Leyte Police, kinilala ang nasawing biktima sa pangalan lamang nitong Nilo, 45-anyos na nagtamo ng mga taga sa katawan at dead-on-the-spot sa insidente.
Base sa imbestigasyon, nasa impluwensya ng alak ang biktima nang tangkain nitong tagain ang alagang aso ng amain na kinilala lamang sa palayaw na Des, 62 taong gulang.
Eksakto umanong umuwi si Des at naaktuhan nitong hinahabol ng taga ng stepson ang kaniyang aso.
Dahil dito, tinangkang awatin ng matanda ang anak-anakan na sa insidente ay nasugatan ng bahagya ang matanda dahil ayaw magpasaway ang una na nais katayin ang naturang aso na gusto umano nitong pulutanin.
Palibhasa’y lasing at pasuray-suray na ang biktima ay nagawang maagaw ng matanda ang hawak nitong itak na machete kaya sa tindi ng galit ay nagdilim ang isip at pinagtataga ang stepson na nasawi sa insidente.
Narekober ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang 24 pulgadang machete at naaresto ang suspect na nahaharap sa kasong kriminal.
- Latest




















