^

Metro

Online seller ng ginto, natanso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kulong ang isang lalaki matapos umano nitong tangayin at isanla ang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P292,800 sa Quezon City na kanyang binili sa isang online seller noong Linggo.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Randy Glenn Silvio ang suspek na si alyas “Kenneth,” 36, residente ng Plaridel, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon, nagkasundo ang online seller at isang buyer na may  Facebook account na “Denice” sa pagbili ng kuwintas sa pamamagitan ng cash-on-delivery sa Trees Resi­dences sa Brgy. Pasong Putik Proper, Novaliches.

Pagdating ng courier sa lugar, nilapitan siya ni Kenneth na nagpakilalang caretaker ng buyer at hiniram ang alahas upang ipauri umano sa isang pawnshop. Subalit lumitaw na isinangla ito ni Kenneth sa halagang P208,000 at inilipat ang pera sa ilang GCash accounts.

Nang maghinala ang courier, hinanap niya ang suspek at naabutan itong papatakas sa exit area ng condominium. Sa tulong ng mga nagpapatrolyang pulis ng PS-16, agad na naaresto ang suspek.

Narekober ng mga awtoridad ang kuwintas at nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kasong estafa laban sa kanya.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with