Pride Run ikinasa sa Quezon City
MANILA, Philippines — Libu-libong runners, advocates, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community ang dumalo sa Pride Run sa Tomas Morato, Quezon City.
Ito ay matapos ikasa ng Quezon City Rainbow Pride Council, RUNRIO, Inc., at Quezon City Government ang naturang aktibidad.
Higit pa sa isang karera, ang Pride Run @QC ay isang pagdiriwang ng pagkilala, inclusion, wellness, at solidarity—na nagtitipon mula sa iba’t ibang sexual orientations, gender identities sa iisang layunin na isulong ang pagkakapantay-pantay at paggalang sa dignidad ng bawat tao. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang Pride Run ay may 5-kilometro haba.
Binigyang-diin ni Belmonte ang kahalagahan ng pagdaraos ng kaganapan sa Tomas Morato, isang lugar na matagal nang kinikilala bilang ligtas at bukas na espasyo para sa komunidad ng LGBTQIA+, at tahanan ng maraming negosyong pag-aari ng mga miyembro ng LGBTQIA+ at mga negosyong sumusuporta sa kanilang komunidad. Malaki ang ambag ng mga ito sa kasiglahan ng kultura at patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod.
Magtatapos ang selebrasyon sa Hunyo 27 kung saan tampok ang #LOVELAB4N Pride Festival sa University of the Philippines Diliman.
- Latest





















